𝗘𝗟 𝗡𝗜𝗡̃𝗢 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧 ‼️
1 month ago
1 likes
0 comments
Ayon sa PAGASA, may mataas na posibilidad na mabuo ang El Niño sa mga susunod na buwan, na maaaring magdulot ng mas mainit at tuyong kondisyon sa ating bansa. Dahil dito, inaasahan ang pagtaas ng temperatura at kakulangan sa ulan na maaaring makaapekto sa kalusugan at kabuhayan ng bawat isa.
Pinapayuhan ang lahat na:
• Uminom ng sapat na tubig upang maiwasan ang dehydration
• Iwasan ang matinding init lalo na sa tanghali
• Magsuot ng preskong damit at gumamit ng proteksyon laban sa araw
• Mag-ingat sa epekto ng heat exposure tulad ng heat exhaustion at heat stroke
Patuloy pong nakaantabay ang ating pamahalaang barangay upang tiyakin ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
Sa pamumuno ng ating butihing Punong Barangay, Kapitan Edwin Ferrer, kasama ang buong Sangguniang Barangay, at sa patuloy na suporta ng ating mahal na Punong Bayan, Mayor Archangelo "SM" Matro, tayo ay nagkakaisa sa pagbibigay ng paalala at paghahanda laban sa epekto ng El Niño.
Manatiling alerto at ligtas, mga ka-barangay!

Guests can read announcements and comments. Please login to interact.
Comments (0)