Back to All News Login to Like/Comment

Isang Mapagpalang Kaarawan, Reynaldo Moyco! 🎉

2 months ago

Isang Mapagpalang Kaarawan, Reynaldo Moyco! 🎉
1 likes 0 comments
Isang magandang araw sa ating masipag, tapat, at maaasahang lingkod-barangay—Reynaldo Moyco ang masipag natin Barangay Tanod. Sa araw na ito, aming ipinagdiriwang hindi lamang ang iyong kaarawan, kundi ang iyong walang sawang paglilingkod at malasakit sa ating komunidad.
Mula sa pamumuno ng ating butihing Punong Barangay, Kapitan Edwin Ferrer, kasama ang buong Sangguniang Barangay, taos-puso naming ipinapaabot ang aming pagbati ng maligayang kaarawan. Nawa’y patuloy kang patnubayan ng Poong Maykapal, pagkalooban ng mabuting kalusugan, at higit pang lakas ng loob upang ipagpatuloy ang tapat na paglilingkod sa ating mahal na barangay.
Maraming salamat sa iyong dedikasyon. Mabuhay ka at nawa’y mas marami ka pang taong mapasaya at mapagsilbihan!
Guests can read announcements and comments. Please login to interact.

Comments (0)

No comments yet.